General

Japan tightens residential speed rules

Mula Setyembre 1, 2026, babawasan sa Japan mula 60 km/h hanggang 30 km/h ang legal speed limit sa ilang residential roads na walang center line o median. Ang mga ganitong kalsada ay bumubuo sa malaking bahagi ng road network ng bansa.

Kailangang maging mas maingat ang mga motorista. Ang pagmamaneho nang 60 km/h sa lugar na magiging 30 km/h ang limitasyon ay maaaring magresulta sa mga penalty point na sapat para sa agarang suspension ng driver’s license.

Layunin ng bagong patakaran na mabawasan ang mga aksidente sa makikitid na kalsada kung saan malapit sa mga sasakyan ang pedestrians, cyclists at mga bata.

Source: Asahi TV

To Top