News

Teens arrested after blocking police car

Inaresto sa Aichi ang dalawang 14-anyos na mag-aaral na pinaghihinalaang humarang sa isang police car habang kasali sa grupong pagbibisikleta na tinatawag sa social media na “Nagoya Ride”.

Ayon sa pulisya, noong Hulyo 11 ay mabagal silang nagbisikleta nang paliko-liko sa harap ng sasakyan sa loob ng humigit-kumulang 380 metro sa National Route 154 sa Minato, Nagoya. Sinasabing sumingit din sila sa harap nito at huminto.

Ang dalawa ay mula sa Seto at Kasugai. Hindi sinabi ng pulisya kung inamin o itinanggi nila ang paratang. Tinatayang 40 bisikleta ang kasama sa grupo, at iniimbestigahan pa ang ibang sangkot.

SOURCE: FNN PRIME ONLINE / LARAWAN: AICHI POLICE
To Top