Japan, Tinitingnan ang Increasing Subsidy para sa mga Nursery na Kumukuha ng mas Maraming Guro
Kinu-consider ng gobyerno ng Japan na dagdagan ang subsidy para sa mga nursery na naglalagay ng mas maraming guro kaysa sa kinakailangan, na naglalayong maibsan ang mga shortage sa mga child caregiver at mapabuti ang kalidad ng kanilang mga serbisyo, sinabi ng isang source na malapit sa bagay na iyon noong Lunes.
Ang hakbang ay matapos ang sunud-sunod na insidente na kinasasangkutan ng mga nursery sa bansa, kabilang ang isang kaso kung saan ang isang bata na naiwan sa isang nursery bus ay namatay sa heatstroke, gayundin ang isang kaso kung saan ang mga guro ay umano’y inabuso ang mga bata.
Ang spending plan, na tatapusin ng relevant ministers sa lalong madaling panahon, ay inaasahang aabot sa 2 bilyong yen at kasama sa isang bagong badyet mula Abril, sinabi ng source.
Bukod pa rito, kinu-consider ng gobyerno ang paglulunsad ng isang bagong programa para sa mga nursery upang maglagay ng mga part-time worker upang suportahan ang mga guro kapag ang mga bata ay pumunta at mula sa mga nursery na kanilang pinapasukan, ayon sa source.
Hindi babaguhin ng gobyerno ang official children-to-teacher ratio na itinakda para sa mga nursery, sinabi ng source.
Sa kasalukuyan, isang guro ang kailangan para sa every 30 4- or 5-year-olds. Ang expanded subsidy ay ibibigay sa mga nursery na, halimbawa, naglalagay ng isang guro per 25 children by age bracket, ayon sa source.
Ang mga regulation ng Japan ay nabanggit na nangangailangan ng mas kaunting mga guro sa bawat bilang ng mga batang pinangangasiwaan kaysa sa Europe at sa United States. Bagama’t iba-iba ito sa mga U.S. states, sa New York, dapat mayroong isang guro para sa bawat siyam na 5 taong gulang, na may maximum group size na 24.
Sa England naman, ang isang guro ay maaaring mag-alaga ng hanggang anim na bata under the age of 8.
Hinihimok ng Japanese national liaison organization for nurseries ang gobyerno na i-review ang ratio ng bansa, ngunit nananatili itong hindi nagbabago dahil hindi nakuha ng gobyerno ang necessary funding.