Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng bawat antas ng Japanese education system sa pagkakaroon ng mga produktibong mamamayan ng kanilang bansa.
Nursery to Kindergarten
Sa nursery school, ang mga mag-aaral dito ay may edad na three years old hanggang sa sila ay sumapit sa wastong edad para sa kanilang elementary education. Sa nursery schools, tumatanggap din naman ng mga sanggol dahil ito ay nagsisilbing day care facility ng bansa. Sa kindergarten schools naman, they are educating children who belong to age brackets between three and five years of age. Sa mga private kindergarten schools, sila ay mayroong school bus service. On the other hand, sa mga pampubliko naman, ito ay hindi ipinagkakaloob.
Elementary Education
Ang elementary education sa Japan ay nagsisimula kung ang isang bata ay may edad na six years old as of April 2 of each year. Sa mga foreign national parents, maaari nilang pag-aralin sa elementarya ang kanilang anak, matapos nilang makumpleto ang kanilang alien registration card procedures as prescribed by Japanese laws.
Bawat bata ay ilalagak sa isang public school batay sa residential address ng kanyang pamilya. Sa Japan, ang mga magulang ay walang karapatang mamili kung saang public elementary school nila nais pag-aralin ang kanilang anak. Sa usapin ng mga fees o mga kaukulang bayarin, maaari kayong makipagugnayan sa Residents’ Affairs Division ng inyong local ward office.
Junior at Senior High School
Japan’s secondary education ay may iba’t–ibang antas. Ito ay ang senior at junior high school. Ang junior high school ay binubuo ng tatlong taon matapos ang iyong matagumpay na pag-aaral ng elementary education. Ang senior high school ay kadalasang tumatagal ng tatlong taon. Ngunit kung night school ang iyong pipiliin, sila ay may mga kursong tumatagal ng four years; no more, no less.
Kung ikaw ay isang foreign national, ang isa sa mga basic requisites upang makapagpatuloy ka ng senior high school ay dapat certified graduate ng junior high school sa Japan or its corresponding equivalent that has been duly accredited by Japanese education authorities.
Ang bawat senior high school incoming student ay kinakailangang maipasa ang Japanese Proficiency Test, at ang mga iba’t ibang pagsusulit na ayon sa itinatakdang mga education policies ng bansang Japan sa pang-kalahalatang principles at methodologies ng isang paaralan.
Sa mga nagnanais malaman ang mga impormasyon tungkol sa Japanese education system, sundan ang link na ito:
http://www.nic-nagoya.or.jp/en/e/archives/4533
Bilang pagwawakas, ang malawakang pagpapahalaga sa quality education ng mga Hapones ay isang matibay na sandigan at pundasyon ng kanilang global competency sa anumang larangan na tinutularan ng buong mundo mula noon hanggang ngayon.
Image “sweet japan” by RageZ from Flickr