Culture

Japanese Lucky Charms for Money

Japanese lucky charms for money

Ang pananalapi ay isa sa napakahalagang aspeto ng ating pang araw-araw na pamumuhay. Kaya naman, maraming bansa ang naniniwala sa taglay na kapangyarihang dulot ng mga Japanese lucky charms for money.

 

Swerte sa Wallet

Maniniwala ba kayo na ang isang payak na wallet ay pinaniniwalaang isa sa mga pinaka-epektibong pampasuwerte ng isang tao sa bansang napakaraming pamahiin? Ayon sa mga eksperto sa larangan ng paranormal, ang suwerte ng isang wallet ay nakasalalay sa angking kulay nito, ang mga piling materyales sa paggawa  at ang mga laman ng isang wallet ay tunay na may malaking bahagi at impluwensiya sa pagkakaroon ng magandang daloy ng pananalapi.

One major superstition is to always put an extra money inside your wallet to attract the same kind for the rest of your life. There are also those who believe in the power of stone. If you are, it is highly recommended that you have one inside your bag or wallet such as a precious tiger’s eye to easily attract money even if you do not need it.

 

Lucky Charms for Money

Ang mga samut-saring lucky charms for money na matatagpuan sa mga  pangunahing Japanese temples and shrines ay hindi mapapasubalian ang mga benepisyo at tulong upang ikaw ay di kapusin sa pera.

Samantala, ang pinagbalatan ng isang ahas ay maaari ring gamitin bilang isang money attractor. Ito ay pangkaraniwang matatagpuan sa mga piling bundok sa Japan.

Naminiwala ka ba sa tinatawag na Omikuji? Ito ay isang uri ng orasyon na sinulat sa papel at inilalagay sa wallet upang mangganyak kasaganaan sa pananalapi.

Ang kampana ay sinasabi ring may kaakibat na suwerte. Kailangan lang ikabit ang strap ng kampana sa isang wallet. Ayon sa mga Feng Shui experts, ang  likas na tunog ng kampana ay sinasabing nagbibigay ng good luck at nagtataboy ng mga masasamang elemento ng kalikasan.

 

Bagamat ang mga Japanese lucky charms for money ay mahirap paniwalaan, ating pakatandaan na ang pagdaloy ng suwerte o biyaya ay dapat sinasamahan ng dasal at matibay na pananalig sa Poong Maykapal upang  ito ay di mawala at maubos ng di natin inaasahan.

 

Basahin din ang related post na Lucky Charms in Japan: Omamori at Talisman

 

Image by Esby (talk) 03:38, 16 April 2010 (UTC) (Own work) [GFDL or CC BY-SA 3.0], via Wikimedia Commons

To Top