Mahilig ka ba sa toyo o soy sauce? Sa bansang Japan, ang masarap at malasang sawsawang ito ay bahagi na ng kanilang makulay at kakaibang food culture mula noon hanggang ngayon. Why are the Japanese soy sauce lovers? Read on.
Shoyu, ang Japanese term ng salitang toyo. Sinasabing ito ay isang new dimension of taste sa kanilang mapili at mapanuring panlasa sa pagkain.
Ang toyo ay isang uri ng fermented na sawsawan mula sa soybean grains, brine at Aspergillus molds. Ito ay may malaking pagkakaiba sa mga Asian varieties dahil sa metikulosong paggawa nito na ginagamitan ng trigo upang magtaglay ng matamis at sherry-like taste.
Sa aking pananaliksik, nakakatuwang matuklasan na may walong klaseng Japanese soy sauces. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
Koikuchi
Nilalahukan ito ng kalahating wheat at kalahating soybeans. 80 percent ng ibinebenta sa mga pangunahing pamilihan ay gawa sa koikuchi.
Namash Oyu
Ang tawag sa unpasteurized na uri ng toyo.
Tamari
Kaunti lamang ang trigo nito. Ngunit para mas maging masustansya, minsan ito ay hindi hinahaluan ng trigo.
Shiro
Isang uri ng toyo na ginagamit ng mga culinary experts sa Japan para lubos na maiwasan ang food discoloration.
Usukuchi
Isang maalat na uri ng toyo na gawa sa Osaka na ginamitan ng amazake o matamis na likido mula sa fermented rice
Genen
Isa sa pinakamasarap healthy type ng toyo dahil ito ay walang masyadong asin. Ang genen soy sauce ay mayroong 50% less salt.
Usujio
Uri ng soy sauce na mayroong 20 percent less salt.
Honjozo
Uri ng toyo na dumaan sa 100% fermentation process.
Why are the Japanese soy sauce lovers?
Sa katanungan kung bakit mahilig ang mga Japanese sa iba’t-ibang uri ng soy sauces, ito ay itinuturing na 5th basic taste ng bawat Hapones. At ang pinakahalaga sa lahat, ang umami o 5th taste ay may broth-like taste na may nanunuot na lasa pagdating sa dila ng mga Hapones.
Bilang pagwawakas, ang umami ay isang sukatan ng tamis o alat ng mga pagkain ayon kay Kikunae Ikeda, propesor ng Tokyo Imperial University.