Ang gobyerno ng Japan ay may panibagong pagsubok na kinakaharap. Ito ay patungkol sa senior life ng mga taong nasa kanilang twilight years. Isa sa mga ito ay ukol sa mga caregiving slots. Ayon sa 2015 na pag-uulat ng Japan Policy Council, malamang na magkaroon ng malaking kakulangan sa larangang ito sa taong 2025. Gayun man, ang sangay ng public sector pati na rin ang mga pribado ay naghahanap ng mabisang pamamaraan upang magkaroon ng mga makabagong nursing facilities. Ngunit ito ay di maaaring maging sustainable. Kung kaya’t sinisikap ng Japanese government na matugunan sa lalong madaling panahon ang suliranin ng Japan’s elderly population.
Japan’s Elderly Population
Mahirap mang sabihin, ang mga lokal na gobyerno ng Japan ay nag-paplanong ilipat ang mga elderly sa country side. Subalit, ang human resources ay sadyang malaki ang discrepancy. Sa ngayon, ang Takashimadaira program na tinatawag na Yuimaru ay naniniwalang ang isang Japanese elderly ay hindi kinakailangan ng anumang uri ng caregiving facilities o assistance.
Samantala, sakaling sila ay tumanda na, ang mga elderly ay maaari pa ring manirahan sa siyudad ngunit ang isang matinding balakid naman ay ang cost of living. Ang paninirahan sa siyudad ay sadyang mahal. Kaya naman, sadyang sadlak sa kahirapan ang mga matatanda dito. May mga savings man ang ilan sa kanila, humihingi pa rin sila ng tulong sa public sector.
Sa kasalukuyan, ang mga ganitong uri ng programs for human survival ay walang malinaw na implementation agenda. Napag-alaman sa ulat na mas gustong manirahan ng mga matatanda sa mga housing projects o complexes kaysa sa mga nursing facilities. Ang mga ibang residential complexes para sa mga matatanda ay mayroong elderly monitoring advice na isinasagawa ng Tokyo Metropolitan Government. May mga nakatalaga silang civil servants upang suriin at bantayan ang kalusugan ng mga elderly Japanese residents.