Culture

Smartphone addiction: A serious threat to safety and wellness.

Smartphone users -Sa araw araw na pagco-commute sa urban ng Japan na madalas ay inaabot ng 60 minuto kada byahe, ang smartphone ay isa sa kinokonsiderang kaloob ng diyos para sa mga mag-aaral at business people upang literal na may mapaglibangan at pampatay oras habang sila ay nasa loob ng pampublikong transportasyon. Ngunit habang nagiging unting laganap ang teknolohiya, tumataas din ang aksidente na kinasasangkutan ng smartphones sapagkat ang mga users nito ay hindi na mahiwalay ang mata sa kanilang mga telepono na nagiging sanhi kung bakit minsan may mga nababangga, nalalalaglag atbp sa kadahilanang mas pokus sila sa telepono kaysa sa kanilang nilalakaran o ginagawa.

Dahil importante sa kultura ng mga Hapon kultura ang kahalagahan sa asal, kagandahang-loob, at kaligtasan ay hindi nangangahulugan na hindi ito maaaring ipakita ng may sense of humor sa pagtalakay ng mga paksa, tulad ng ipinapakita sa video na ito mula sa DoCoMo service provider ng mobile phone.

Pinamagatang Samurai Smartphone Parade, ang video ay naka-set sa panahon ng pyudal panahon ng Edo sa Japan. Sa panahon na ito, ang daimyo (warlords) ay pilit na inililipat ang kanilang residensya mula sa kanilang mga regional na upuan ng kapangyarihan sa mga kapital sa Edo every other year, upang ubusin ang kanilang impluwensiya at yaman nang maiwasan ang mga ito na patuloy na tumaas laban sa mga shogunate.

Ang daan sa Edo, bagaman, ay mahaba at puno ng may panganib. Pinapakita sa video ang kaganapan kung sakali na iaadapt ng tradisyonal na pamumuhay noon ang modernong pamamaraan sa ngayon sa impluwensya ng mga smartphone. Ano nga ba ang mangyayari kung ang lahat ng tao ay mahuhumaling na nga lang sa paggamit ng kani- kanilang mga modernong gadgets?

Ang mga samurai ay sumasalamin sa mga aksidente ng modernong pasahero, sa atin ang video ng survey data ay nagpapahiwatig na 66% ng mga tao ay nakakabunggo ng iba pang kasalubong habang gamit ang isang smartphone sa paglalakad at 18% ay natitisod sa isang bagay sa kanilang mga dinaraanan ng hindi sadya. Ang kagulat-gulat sa lahat ay ang bilang na 3.6% ng mga tao na bumagsak o nahulog mula sa tren platform papunta sa train track habang nakapako sa kanilang mga mata smartphone habang sila ay papunta sa kani- kanilang mga istasyon.

Ang ads na ito ay ginawa bilang paalala sa lahat ng mga hazards at aksidenteng maaaring kaharapin at mangyari kung sakali mang ang pokus at atensyon mo ay buhos sa smartphones at hindi sa mga bagay na ginagawa o nakikita. Kahit para sa iba maaaring ito ay madrama at nakakatawa pero kung sa inyo na mangyayari sa totoong buhay malamang ay hindi ka din matatawa.

Hihintayin pa bang maipit ka sa tren o di kaya ay malaglag sa kanal o riles at masagasaan ng rumaragasang tren habang busy kakapindot?

Kaya tandaan, panatilihin ang iyong smartphone sa inyong bag habang ikaw ay naglalakad, maliban kung ikaw ay gumagamit nito bilang isang kalasag upang panangga sa kung anumang ibabato sayo. Dahil pwedeng maging mitsa pa ito ng buhay mo kung hindi ka magiingat!

Panuorin ang kabuuan ng video dito:

Source: Japaaan, Japantoday

To Top