General

Kaalaman Ukol sa Anemia

Ano ang anemia?

Ang anemia ang isang kondisyon kung saan kulang ang red blood cell (RBC) o hemoglobin ng isang tao. Ang ‘hemoglobin’ ay isang protina sa dugo na responsable sa pangongolekta at paghahatid ng oxygen sa iba’t ibang ng katawan, ang ang mga red blood cell naman ang mga cell sa dugo na may taglay na haemoglobin. Kung may kakulangan sa RBC o sa hemoglobin, posibleng hindi sapat ang oxygen na makuha ng katawan, at ito ay pwedeng magdulot sa pagiging matamlay, pakiramdam na pagod, at iba pang sintomas at komplikasyon.

Ano ang sanhi ng anemia? Paano nagiging anemic ang isang tao?

Maraming dahilan kung bakit maaaring maging anemic o magkaron ng anemia ang isang tao. Ang mga sanhing ito ay maaaring igrupo sa tatlong kategorya:

  1. ang pagkawala o kabawasan ng dugo (blood loss);
  2. ang pagkakaron ng diprensya sa pagbubuo ng blood cells sa katawan;
  3. ang pagkasira ng mga red blood cells.

Anemia dahil sa pagkawala ng dugo o blood loss

Kasama dito ang mga kondisyon gaya ng ulcer na nakakabawas ng dugo sa katawan. Kung sobra ang dugong nawala sa pagregla o panganganak, ito’y maaari ding maging sanhi ng anemia.

Anemia dahil sa diprensya sa pagbuo ng red blood cells

Sa grupong ito maaari nating isama ang anemia na dahil sa kakulangan ng iron o iron-deficiency anemia. Ang iron kasi ay isang element na isang mahalagang sangkap para makabuo ng mga hemoglobin. Kaya kung kulang ang katawan nito, maaari talagang hindi sapat ang mabuong dugo. Isa pang karaniwang uri ng anemia na nasa ilalim ng pangkat na ito ay ang sickle cell anemia, kung saan iba ang hugis ng mga red blood cell, kaya hindi ito gumagana ng tama – imbes na bilog, korteng ‘sickle’ o palayok ang mga cell. Ang mga iba’t ibang kondisyon na ito ay maaaring namamana (genetic); dahil sa ibang sakit (gaya ng ulcer o problema sa pag-regla); impeksyon; at iba pa. Meron ding mga anemia na dahil sa kakulangan ng nutrisyon ang dahilan gaya ng iron-deficiency anemia, kung saan kulang sa iron ang katawan.

Ang pagiging ‘low blood’ ba ay katumbas ng pagkakaron ng anemia?

Hindi. Kapag sinabing low blood o high blood, ang sinusukat ay ang presyon ng dugo o ‘blood pressure’. Ito’y hindi katumbas ng pagkakaron ng anemia, bagamat maraming tao ang nalilito at napapaghalo ang mga kondisyon na ito.

Source: KalusuganPH
To Top