News

KANAGAWA: BATANG NAIWAN SA ISANG BUS

KANAGAWA – Isang batang babae ang nakatulog at naiwan sa loob ng isang bus at na-trap sa loob nito.

Hindi napansin ng isang bus driver ang batang babae na naiwan sa kanyang bus nang kanya itong igarahe. Ang nasabing batang babae ay nakatulog sa bus at naiwang mag-isa sa garahe. Na-trap siya sa loob ng 40 minuto at nadiskubre lamang nang tumawag ang kanyang ina.

Pinag-aaralan pa ng lokal na pamahalaan kung anong kaso ang maaaring isampa sa driver dahil sa insidenteng nangyari.

SOURCE: ANN NEWS, YOUTUBE.

#Japinoy #Japinonet

To Top