Kumamoto records 383 earthquakes
Nananatiling nakaalerto ang Kumamoto Prefecture matapos ang magnitude 7 na lindol na tumama noong Hulyo 28. Hanggang 3:00 p.m. nitong Lunes (3), naitala ng Japan Meteorological Agency (JMA) ang 383 lindol na may seismic intensity na 1 o mas mataas, at patuloy nitong pinapayuhan ang publiko na maging mapagmatyag dahil sa posibilidad ng panibagong malalakas na pagyanig.
Patuloy pa ring nararamdaman ang epekto ng sakuna. Hindi pa rin naibabalik ang suplay ng tubig sa ilang apektadong lugar, habang nakararanas ang lungsod ng Kumamoto ng matinding init na lampas 40°C, na lalo pang nagpapahirap sa kalagayan ng mga residente at mga emergency response team.
Ayon sa JMA, kabilang sa mga naitalang pagyanig hanggang 3:00 p.m. ng Agosto 3 ang isang intensity 7, limang intensity 5-lower, 16 intensity 4, 45 intensity 3, 108 intensity 2, at 208 intensity 1.
Source: Mainichi Shiimbun
