General

Limang bagong impeksyon sa Hyogo, Isa ang namatay sa pasilidad ng cluster outbreak

Inihayag ng Hyogo Prefecture na isang tao sa edad na 70’s ang namatay noong ika-16 na positibong nahawaan ng new coronavirus. Ang taong namatay ay gumagamit ng isang day care facility kung saan nangyari ang cluster infection. Noong ika-18, inihayag ng Hyogo Prefecture na limang bagong kalalakihan at kababaihan ang nahawaan ng bagong coronavirus. Apat sa mga ito ay magkakasama sa parehong day care facility  sa Itami City.Ang impeksyon sa pasilidad ay kumalat sa higit sa 25 katao, kabilang ang mga kawani at mga gumagamit rito. Bilang karagdagan, ang Fukui Prefecture ay may naitala ng unang taong nahawahan ng new coronavirus. Ang taong nahawahan ay isang 50-taong gulang na opisyal ng kumpanya na naninirahan sa Fukui City, at ang prefecture ay ginagawa ang lahat ng makakaya upang malaman ang pinanggalingan ng impeksyon at subukang makilala pa ang mga malapit na contact rito.

Source: ANN News

To Top