Stalking cases hit record high in Japan
By
Posted on
Patuloy na tumataas sa Japan ang mga kaso ng stalking. Noong 2025, nakatanggap ang pulisya ng 22,881 konsultasyon mula sa mga biktima, 16.9% na mas mataas kaysa noong nakaraang taon at unang beses mula 2020 na lumampas sa 20,000.
Ayon sa National Police Agency, 1,546 katao ang naaresto dahil sa paglabag sa anti-stalking law, isang bagong record sa ikaapat na sunod na taon. Umabot din sa 3,037 ang mga restraining order, tumaas ng 25.8%.
May 2,171 pang kasong kriminal na konektado sa stalking, kabilang ang trespassing, pagbabanta at pananakit. Kababaihan ang 86.9% ng mga biktima, habang 80.1% ng mga suspek ay lalaki.
SOURCE: Nippon.com / LARAWAN: ILLUSTRATIVE PHOTO
