Marami sa ating mga kababaihan ang nakakaranas ng pagkakaroon ng “Varicose Veins”. Ito ay maaaring magdulot ng pagkapagod at masakit na pakiramdam. Ayon kay Dra. Liza Ong, kapag lumalaki ang ugat sa ating mga binti ay nagdudulot ito ng pagluwag ng valvula, na maaaring mauwi sa pag iipon ng dugo sa binti at mahihirapan itong bumalik sa puso. Narito ang listahan ng mga paraan upang maiwasan mangyari ito:
- Magsuot ng support stockings or compression socks. Ito na marahil ang pinaka mabisang lunas upang maiwasan ang pagkakaroon ng varicose veins, spider veins at pagmamanas ng mga paa.
- Kung ang trabaho ay matagalang pagkakatayo at pagkakaupo, subukang igalaw galaw ang mga paa upang ma-ehersisyo ang pagdaloy ng dugo pabalik sa puso.
- Kapag natutulog at nagpapahinga, maaaring ipatong ang mga paa o binti sa mababang unan upang hindi mag ipon ang dugo sa inyong binti.
- Kapag matagal na nakaupo, ipatong ang mga paa sa isang silya. O hindi kaya naman ay ipatong ang paa sa silya at masahihin simula sa paa papunta sa binti at hita upang umayos ang daloy at sirkulasyon ng dugo .
- Ehersisyo na maaaring makatulong sa mga mayroong Varicose Veins: swimming, dancing, stationary bike.
- Ang mga ehersisyo at isports na tulad ng basketball, badminton at tennis ay maaaring makalaki ng ating ugat kaya ito ay dapat iwasan.
- Iwasan din ang pagsusuot ng masisikip na mga pantalon upang hindi maipit ang mga ugat.
- Kumain ng mga maraming prutas at gulay na mayaman sa fiber.
- uminom ng walong basong tubig sa maghapon upang maiwasan ang pag ttb, pag-iri at pagbigat ng timbang na maaaring magdulot ng pagtaas ng pressure sa inyong ugat.
Kung patuloy ang pananakit ng inyong mga binti ay maaari lamang na kumonsulta sa pinagkakatiwalaang doktor at mga vascular surgeons para kayo ay mapayuhan.
Source: Dra. Liza Ong