Crime

Man set on fire in Kariya attack

Isang 19-anyos na lalaki ang inaresto sa Aichi dahil sa hinalang binuhusan niya ng lighter fluid ang isang kakilala at sinilaban ito sa tabi ng ilog sa Kariya noong madaling-araw ng Agosto 8.

Ayon sa pulisya, tumalon sa ilog ang biktima upang apulahin ang apoy ngunit nagtamo ng paso sa mga hita at binti, na inaasahang gagaling sa loob ng dalawang linggo.

Pinaniniwalaang may kaugnayan ang suspek sa isang Tokuryu-type criminal group, mga grupong kriminal na anonymous at may pabago-bagong istruktura. Inamin niya ang ginawa. Iniimbestigahan ng pulisya ang posibleng alitan ng dalawa.

Source: Tokai TV

To Top