General

Mas Madaling Pagkuha ng ENTREPRENEUR VISA

Iniisip ng Japan na paluwagin ang qualification para sa mga dayuhang negosyante bilang hakbang upang buhayin ang kanilang pambansang ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapadali sa mga dayuhang magtatayo ng negosyo sa bansa.

Ayon sa Immigration Services Agency, plano nitong payagan ang mga dayuhang negosyante na manatili sa Japan ng hanggang dalawang taon bilang panahon ng paghahanda para sa pagsisimula ng negosyo, kahit wala silang opisina o pondo, basta’t mayroon silang sertipikadong plano ng negosyo at sumusunod sa iba pang mga kondisyon.

Sa kasalukuyan, ang mga dayuhang nais magkaroon ng status ng residency para sa mga layuning pang-negosyo ay kinakailangang magkaroon ng sariling opisina at may hindi bababa sa dalawang buong oras na empleyado o pondo na hindi bababa sa ¥5 milyon ($33,000). Ang mga requirements na ito ay maaaring mahirap tuparin para sa mga dayuhang walang malalim na pinansyal na kalakasan.

Sa mga nakaraang taon, nag-introduce ang gobyerno ng anim-na-buwang programa ng residency para sa mga dayuhang hindi Hapones na naghahanda na magtayo ng negosyo sa mga itinakdang national strategic special zones, tulad ng Tokyo at Fukuoka. Noong 2018, inilunsad ang isa pang programa na nagpapahintulot sa mga dayuhang manatili ng hanggang isang taon sa tulong ng mga sertipikadong lokal na pamahalaan. Layunin ng Immigration Services Agency na isama ang mga programang ito at palawakin ang kanilang sakop sa buong bansa.

Sa ngayon, mayroong mga halos 35,000 dayuhang nananatili sa Japan na may status ng residency na nagpapahintulot sa kanila na makilahok sa pamamahala ng negosyo, isang pag-angat mula sa mga 7,800 mula sa katapusan ng 2019.

Plano ng ahensiyang baguhin ang kaugnay na mga ordinansa ng ministro sa pagtatapos ng fiscal year 2024 at makikipagtulungan sa mga kaukulang kagawaran at ahensiya para maisakatuparan ang mga pagbabagong ito.

JAPAN TIMES
30 October 2023
https://www.japantimes.co.jp/news/2023/10/30/japan/entrepreneurs-eased-residency-requirements/

To Top