Culture

Men’s Fashion during the 1940’s

men's fashion in japan 1940s

Ang kariktan ng fashion statements noong 1940’s ay tinatawag na huling dekada ng pagiging elegante ng bawat tao, lalo na ng mga kalalakihan. Sa panahon ng Great Depression, ang Paris at Italya ang nanguna sa mundo ng fashion. Ngunit pagsapit ng 1939, ang mga Italian-inspired wardrobes ang nagbigay buhay sa mga mamamayan na mahilig sa mga makukulay na  uri ng pananamit.

Men’s Fashion during the 1940’s

Americans, Practical Clothing Style

Samantala, ang mga Amerikano naman ay lubos na nahumaling sa mga praktikal na  estilo sa  pananamit. Gayun din, ang mga jackets at trousers ay mas pulido ang pagkakaggawa sa  panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ang mga two-piece suits ay sakdal ang kagandahan at kasikatan. Sa kauna-unahang pagkakataon, ang mga European designers ay nagbigay daan sa mga American fashion icons upang sila naman ang maghari sa fashion limelight.

Alam ba ninyo na ang fedora ay pinaka sikat na headwear ng mga Amerikano?

After World War 2 Fashion

Nang matapos ang Ikalawang Digmaan ng Pandaigdig, ang cap toe shoes na may two-toned laces ay nagkaroon rin naman ng pagkakataon upang maipakita ang  kanilang angking kagandahan. Sa wardrobe ng mga kalalakihan, ang mga elegant accessories ay hindi mawawala sa eksena ng international fashion scene. Sadyang hindi kumpleto ang 1940’s fashion world  kung walang mga neckties. Mayroon ring mga suspenders sapagkat ang mga leather belts ay hindi na gaanong pasok sa kalakaran ng men’s fashion noong mga panahong iyon.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, ang mga neckties ay muling  nagbalik upang bigyang kulay ang  pagiging maginoo ng mga lalaki. Ang mga ties ay lumapad noong post war years. Bilang karagdagan, ang iba’t-ibang styles ng neckties ay naging mas nagpakitang gilas. Halimbawa, ang mga ito ay pinalitan ng kulay bahaghari. Upang lalong maipakita ang pagiging malikhain ng mga designers, ang mga ties ay pininturahan.

Higit sa lahat, ang zoot suits ay sinubukan ng mga lalaking Italian at Mexicans. Ang kanilang estilo ng  pananamit ay may mga rebellious elements bilang isang ebolusiyonaryong tema ng men’s  fashion. Anuman ang post war fashion para sa mga lalaki, ang unibersal na kahalagahan ng  comfortability ang siya pa ring mahalaga  sa pagpili ng kasuotang panlalaki.

To Top