Culture

Mga Dapat Alamin Tungkol Sa Philippine Passport

Valid pa ba ang aking Passport?
Ang passport po ay valid at may bisa pa para sa pagbyahe, pagrenew/pag-apply ng visa, pagrenew ng residence ID o anumang transaksyon kung ito ay mahigit pa sa anim na buwan (at least 6 months) bago ang expiration date nito. Kung kulang na sa 6 na buwan (less than 6 months) maaaring hindi na ito magamit sa mga transaksyon lalo na sa pagbiyahe pabalik ng Japan, pag-apply/renewal ng visa o pagbyahe sa ibang bansa bukod sa Japan. Sikapin po nating tandaan ang expiration date ng ating passport.

 

Mayroon bang fine kung expired na ang passport na hawak ko?
Wala po. Subalit ang lahat ng inconvenience at problema na dulot nito ay inyong responsibilidad. Sa panahon na biglang kailangan ang valid na passport, alalahanin po na kailangan ng panahon upang makakuha ng bagong passport (aabutin ng at least 6 na linggo).

 

E-passport na ba ang hawak ko?
Ang mga pasaporte (kulay Maroon) na isyu ng Osaka PCG mula 2010 ay e-Passport na. Makikita ang logo ng e-Passport sa harap na cover.

 

Kung hindi pa e-Passport, kailan ako dapat mag renew?
Kung ang pasaporte na hawak mo ay MRRP (kulay Green) o MRP (maroon pero walang logo ng e-Passport) makabubuting alamin kung kailan ang expiration date nito (valid until). Kung mababa na sa anim na buwan, makabubuting mag renew na sa lalong madaling panahon.
Kailangan ko ba ng Appointment Para Sa Application o Mag Renew?
Wala pong appointment system sa Osaka PCG. “First come, first served” po ang kalakaran. Ang opisina ay bukas Lunes hanggang Biyernes, 9:00 AM-5:00 PM, No Noon Break. Ang mga buntis, Senior Citizen, may kapansanan, mga sanggol at bata limang taon (5 years old) pababa ay hindi nangangailangan na sumabay sa pila. Sila po ay pagbibigyan na mauna. Ang mga asawa, magulang, kapatid o kasama nila ay hanggat maaari ay hindi sakop ng kalakaran na ito.

 

Kailangan ko bang magdala ng passport ID pictures para sa passport?
Hindi po.

 

Ano ang mga Hakbang ng Application/Renewal ng Passport?
Personal po ang passport application/renewal. Makabubuti na kompleto ang lahat ng requirements bago magtungo sa Osaka PCG. Tingnan ang mga requirements dito. Kung kompleto na ang lahat, gawin ang mga sumusunod:

1. Magtungo sa window ng Passport Processing. Ibigay ang mga requirements. Titingnan kung kompleto at walang problema sa mga dokumento. Papasagutan sa iyo ang lahat ng kailangan pa. Bibigyan ka ng number para sa encoding.
2. Magtungo sa Cashier para sa bayarin. Bibigyan ka ng opisyal na resibo ng iyong transakyon. Itago ito.
3. Magtungo sa Passport Encoding Area. Bantayan sa monitor ang pagtawag sa iyong number. Matapos ang encoding, tapos na ang proseso.

 

Kailan dadating ang bago kong passport?
Mula sa renewal date, maaaring umabot sa 6-8 linggo, minsan higit pa lalo na iyong applications sa consular outreach, bago maging available ang inyong passport. Ang mga pasaporte na available ay kaagad na ipinapadala ng Osaka PCG gamit ang iniwan ninyong sobre.

 

Wala pa ang passport ko, dumating na ang sa kasabay ko, bakit ganun?
Ang mga passports na aming natatanggap ay hindi ayon sa araw ng application. Ito ay base sa mga natanggap na passports mula sa Manila. Maaaring nauna ang pagpapadala sa passport ng kasama mo kesa sa iyong passport depende sa printing batch doon. Wala pong itinatago o inihuhuling passport ang Osaka PCG. Ang lahat ng natatanggap ay kaagad na ipinapadala

 

Wala pa ang passport ko, mayroon akong emergency. Ano ang pwede kong gawin?
Maaari pong mag-apply ng passport extension ng inyong kasalukuyang passport. Magtungo lamang sa Osaka PCG dala ang inyong resibo ng renewal at ang passport mismo. Mayroon po itong kaukulang bayad. Maaaring makuha sa araw mismo o ipapadala sa inyo makalipas ang dalawang araw. Kailangang magpakita lamang ng proof tungkol sa emergency.

 

Sa araw ng aking renewal, maaari na ba akong mag apply din ng extension dahil nga sa emergency?
Opo. Pareho po lamang ang mga requirements tulad ng nasa taas.

 

Ano ang kailangan kong dalhin sa pag claim ng bagong passport?
ng inyong mga bagong pasaporte ay ipapadala sa inyo gamit ang mga envelope na inyong iniwan. Pakihintay po lamang mula sa Post. Kung lumampas na ang takdang panahon na 6-8 linggo at wala pa ang inyong passport, maaaring mag-email sa [email protected] para sa katugunan. Iwasan po natin ang pag follow up ng passport sa telepono upang higit naming matugunan ang mga emergency na tawag.

 

Maaari bang personal ang pickup ng bagong passport?
Opo. Pakidala po lamang ang lumang passport at resibo.

 

REQUIREMENTS FOR FIRST TIME PASSPORT APPLICATION :

For First-time Applicants (Infants & Children)

 

1. Personal appearance of applicant.
2. Duly accomplished passport application form
3. Original and photocopy of the applicant’s Report of Birth or DFA authenticated PSA (NSO) Birth Certificate.
4. Self addressed return envelope with Yen 930 postage stamps.
5. Passport Fee of Y 7,800 (cash only)

ADDITIONAL REQUIREMENTS:

For minor applicants (below 18 years old):

1. Valid passport of the parents or legal guardian and photocopy of the data page.
2. Original and photocopy of the parents’ DFA Authenticated PSA (NSO) Marriage Certificate or Report of Marriage.
3. The minor applicant must be accompanied by the Filipino parent or legal guardian.
NOTE: The Consular Officer reserves the right to require additional proof or documents, pursuant to R.A. 8239 (The Philippine Passport Act of 1996) for the purpose of verifying the identity, citizenship and personal circumstances of the applicant.

REQUIREMENTS FOR PASSPORT RENEWAL

1. Personal appearance of applicant.
2. Original Passport.
3. Duly accomplished application form – (may be downloaded here )
4. Self addressed return envelope with Yen 930 postage stamps.
5. Passport Fee of Y 7,800 (cash only)
6. Photocopies
• For ePassports/MRPs, Photocopy of the data page (the page with photo), Alien Card/Residency Card. Also photocopy of the amendment page, if applicable.
• For MRRP (Green Passports) Photocopy of the data page (the page with photo), last page, Alien Card/Residency Card. Also photocopy of the amendment page, if applicable.
• For Brown Passports (issued before 01 May 1995), Photocopy of pages 1,2,3,4 and the last page, Alien Card/Residency Card. Also photocopy of the amendment page, if applicable.

Philippine Consulate General Information:

Twin 21 MID Tower 24F, 2-1-61 Shiromi
Chuo-ku, Osaka, Japan 540-6124

Tel. No. 06-6910-7881 * Fax No. 06-6910-8734
Emergency Telephone No.: 090-4036-7984 (For EMERGENCY ONLY)

Business Hours: 9:00 A.M. – 5:00 P.M.
Mondays to Fridays except during official Philippine and Japanese holidays
e-mail: [email protected]

[wpme-gmap address=”大阪市中央区城見2-1-61 Twin21 MIDタワー” width=”100%” zoom=”15″]

Resource: osakapcg

To Top