Events

Mga Lucky bags at super sale, ginawang palabunutan at online reservations dahil sa epekto ng pandemya

Sa Tokyo, ang unang bentahan sa karamihan ng department stores ay nagsimula na ngayong ika-2 ng buwang ito. Upang makaiwas sa hawahan ng impeksyon ng coronavirus, ang pamamaraan sa pagbili ng mga lucky bags ay binago. Ang mga lucky bags na nagkakahalaga ng 100,000 yen na kung saan ay inabot lamang ng 30 segundo noong nakaraang taon sa Matsuya Ginza ay maaari lamang mabili ngayong taon sa pamamagitan ng palabunutan. Dagdag pa rito, mayroon din silang itinalagang special na lugar para sa mga lucky bags purchases upang makaiwas na dagsain ng mga mamimili, at mayroon ding limit na itinalaga para sa mga online reservations. Kahit na ang department store sales ay bumababa dahil sa epekto ng pandemyang coronavirus, ang unang bentahan ngayong taon ay maituturing na pinakamataas at inaasahan na nasa 90% ng sales ng nakaraang taon.

Source: ANN NEWS

To Top