Lalo pang pinatingkad ng Japan ang kanilang sining at kultura sa pagkakaroon ng tinatawag na Nippon Style (Tokyo Fashion Express) show. Sa pinaka-latest na episode (March 14, Monday), itinampok si Mikio Sakabe ang pinakamatalino at pinakadalubhasa na dating mag-aaral ng Belgium’s Royale Academy of Fine Arts sa Antwerp. Inilunsad niya ang isang bagong uso sa makulay na daigdig ng pananamit sa ating panahon, kasama ang isang eksperto sa pagdidisenyo na si Shueh Jen Fang, pagkaraan ng matagumpay niyang pagtatapos. Sa kasalukuyan, ang tanyag na tagadisenyo ng damit na ito ay tinaguriang “Flag Bearer of Tokyo’s New Mode.”
Ayon kay Sakabe, ang kanyang kaaya-aya at makulay na tema para sa temang Nippon Style (Tokyo Fashion Express) ay sumesentro sa tinatawag na mga di matatawarang sub-culture elements tulad ng anime games at mga samut-saring cosplay ng Japan. Sa kabuuan ang kanyang mga sikat na disenyo ay sadya namang nakakamangha kung kaya naman ito ay tinawag ng mga eksperto bilang mga kakaibang likha na may “avant garde fashion.”
Si Sakabe ay may taglay na istilo ng pananamit na kung tawagin ay pop idol costumes. Dahil dito, siya rin ang lumikha ng mga kagilagilalas na mga disenyo ukol sa mga sikat na top pop stars ng kanilang bansa. Masasabi nga natin na ang pangalang Mikio Sakabe ay nakaukit na sa kasaysayan ng glamorosong pananamit dahil sa siya ay nakatanggap ng isang magandang proyekto na gagawa ng isa sa pinaka pag-uusapang disenyo ng pananamit para sa isang Filipino pop idol group na bago pa lamang nakikilala sa Japan.
Alam ba ninyo na ang Kawaii 5, isang idol group na gumagaya sa mga iba’t-ibang istilo ng Japan (kung ating pag-uusapan ang makabagong kultura) ay iginawa ni Sakabe ng mga disenyo ng mga damit na naglalarawan ng mga sandigan at mekanismo ng mga Pilipino na alagad ng sining?
Sa kanyang bagong mga disenyo ayon sa Nippon Style (Tokyo Fashion Express, ang mga pop idol na kasuotan ay lalo pang pinaganda sa pagdaragdag ng mga tinatawag na bahid tropikal na naaayon sa kabuuan at kagandahan ng Pilipinas. Gayundin, ang kaniyang bagong mga likha ay nilahukan niya ng mga pamosong kultura ng Amerika.
Nabanggit natin ang tungkol dito sa nakaraang post na Filipina Idol Group Kawaii 5 Performs in Tokyo.
Ang Tokyo Fashion Express ay mapapanood sa NHK World. See http://www3.nhk.or.jp/nhkworld/en/tv/tokyofashion/program20160314.html for details.