General

Minister Kono: Pagbabakuna ng Covid Vaccine, balak palawigin hanggang gabi

Patungkol sa pagbabakuna ng coronavirus vaccine, Lumabas sa Minister Kono sa TV sa isang Asahi Program at inihayag ang kanyang intensyon na ikonsidera ang gabi para sa pagbabakuna para sa mga taong katatapos lang ng trabaho. Ayon kay Minister Kono na siyang namamahala sa pagbabakuna: ” may ibang ginagawa ang pagbabakuna ng sabado at linggo ngunit wala pa akong narinig na ginagawa rin ito hanggang gabi, kaya nais sana naming subukan kung makakatulong ito para mas maging epektibo ang pagbabakuna para sa lahat.” Patungkol naman sa produksyon ng bakuna, mas mainam raw sana kung magagaw ito sa loob ng Japan, ang ilang overseas manufacturer  ay kinokonsidera ang domestic production dagdag sa nauna ng ideya at plano sa Astrazeneca. Tungkol naman sa Olympics at Paralympics, siguro mas kakaiba ang gagawin kung sakaling matuloy ito. Maaring hindi na pahintulutan ang mga manunuod kapag ito ay idinaos.

Source: ANN News

To Top