General

Minister Nishimura: Tokyo, humaharap sa lumalalang krisis sa kaso ng hawahan ng coronavirus

Sinagot ni Minister Nishimura, ang nakatalagang in-charge sa economic revitalization ang patungkol sa balita ng naunang naiulat na 293 na kaso ng mga nagpositibo sa loob ng isang araw sa Tokyo na kung saan ito na ang pinakamataas na bilang sa kaso ng hawahan sa Tokyo.

Minister Nishimura para sa economic recovery: ” Mayroon pa ring mga natitirang kaso na hindi pa rin natutukoy kung saan at papaano nahawa ng coronavirus, dumarami rin ang mga positibo sa mga middle aged kaysa sa mga elderly. Mas nagiging delikado ang sitwasyon kung kaya’t dobleng pagiingat ang kinakailangan. Kailangan nating higpitan ang seguridad ng nakakarami.”

Nangakong tutukan naman ang sitwasyon ngayon sa siyudad ni Minister Nishimura, at nagtakda sila ng video conference kasama ang Governor, 6:30 Pm ngayong araw July 17,2020.

To Top