Ang Japan ay isa sa mga nangungunang country na mahilig gumamit ng payong mapa-ulan man, araw o snow. Umaaabot sa 130Million/year ang market nito. Kung kaya’t nakaisip ng bagong ideya para sa bagong trend na kung saan ay pwede mo ng palitan ang fabric ng payong mo ng ayon sa pangangailangan mo at panahon.
Payong na kung saan pwede mong palitan ang plastic cover nito as fabric ng paborito mong pattern tulad na lang nga pagpapalit mo ng wrist band sa iyong mga relo. Matibay din ang pagkaagawa nito para sa mga malalakas na hangin at hindi basta basta napuputol gaano pa man kalakas ang bagyo.
Eco-friendly din ang materials kung kaya’t safe itong gamitin ng walang pagkabahala.
Ang halaga ng payong ay nasa ¥ 950 at ang bawat plastic wrap(Interchangeable fabric) nito ay nagkakahalaga ng ¥ 700 bawat isa.
Source: ANN News
#Japinoy #Japinonet