General

Paano maaagapan at maiiwasan ang Dehydration?

“When you feel thirsty, you are already dehydrated.”

“Dehydration is a silent killer.”

 

 

Ang dehydration ay isang kondisyon kung saan nawawala ang tubig sa katawan. Ibig sabihin nito, mas marami ang inilalabas na tubig mula sa cells at katawan kumpara sa iniinom na tubig. Sa araw- araw ay naglalabas tayo ng tubig sa katawan sa pamamagitan ng paghinga, pag-pawis, pag-ihi at pagdumi. Kasama na nitong inilalabas ang maliit na pursyento ng asin na taglay ng ating katawan.

 

Kung ito ay mararanasan, maaaring mawala ang balance ng katawan o dehydrated. Kapag ito ay nagging malubha, maaari itong ikamatay.

 

Dahilan ng Dehydration

 

  • Lagnat, heat exposure, at sobrang ehersisyo
  • Pagsusuka, pagtatae, at maya’t mayang pag-ihi mula sa impeksyon
  • Diabetes
  • Kung ang isang indibidwal ay mayroong kapansanan, maaaring magkaroon ng kakulangan o walang sapat na  nutrisyon, pagkain at tubig
  • Sa mga naka-coma o respirator, na dahilan upang hindi makainom ng tubig
  • Pag-inom ng maruruming tubig
  • Kung mayroong injury sa balat, tulad ng pagkasunog o mouth sores at iba pang uri ng sakit sa balat at impeksyon, ang tubig sa katawan ay maaring mawala mula sa damaged skins

 

Simptomas ng Dehydration

 

  • Madalas na pagkauhaw
  • Panunuyot ng bibig o lalamunan, at namamagang dila
  • Panghihina
  • Pagkahilo
  • Palpitations o pagbilis ng tibok ng puso
  • Pagkalito
  • Pamumutla
  • Hindi lumalabas ang pawis sa katawan
  • Hind maihi sa mahabang oras

 

NOTE: Maaaring malaman kung dehydrated ang isang tao sa pamamagitan ng kulay ng ihi. Kung ang ihi ay sobrang madilaw o kulay amber, ito ay senyales ng pagiging dehydrated.

 

Kailan nararapat magpatingin sa doctor?

 

Kung nararanasan ang mga nakasaad sa ibaba, magpakonsulta sa mga doctor:

 

  • Madalas na pagsusuka sa higit na isang araw
  • Lagnat na mas mataas sa 38.3 degrees C
  • Pagtatae sa higit na dalawang araw
  • Pagbaba ng timbang
  • Hindi pag-ihi ng normal
  • Pagkalito
  • Panghihina

 

Dalhin agad sa EMERGENCY kung ang pasyente ay nakakaranas ng mga sumusunod:

 

  • Lagnat na mas mataas sa 39.4 degrees C
  • Pagkalito
  • Sobrang pangihina
  • Pananakit ng ulo
  • Seizures
  • Hirap sa paghinga
  • Pananakit ng dibdib at puson
  • Pamumutla
  • Hindi pag-ihi sa loob ng 12 oras

 

Lunas sa Dehydration

 

Para sa mga dehydrated at nakakaranas ng pagsusuka:

 

  • Huwag hayaang matuyot ang bibig at lalamunan, uminom kahit kaunting tubig.
  • Uminom ng mga carbonated drinks/electrolyte drinks, tulad ng Gatorade
  • Kumain ng popsicles na gawa sa juice o sports drinks
  • Kumain ng yelo
  • Uminom gamit ang straw kung mayroong mouth sores o problema sa panga

 

Kung ang indibidwal ay nakakaranas ng panghihina mula sa heat exposures:

 

  • Bawasan ang suot at bigyan ng kumportableng damit na maluluwag at maninipis
  • Mainam na dalhin sa mga malalamig na lugar o air-conditioned area o tapat ng fans. Kung nasa labas ng bahay, iwasan ang pagbibilad sa araw at punasan o ibabad ang basing tuwalya ang taong iyon upang maging normal ang temperatura ng pangangatawan
  • Ilagay ang tubig sa spray bottles at gamitin ito sa balat
  • Huwag direktang idikit ang ice packs o ice water sa balat ng may dehydration, mas lulubha ang lagnat at makakaranas ng panginginig at pangangatog.

 

Paano maiiwasan ang Dehydration?

 

  • Ugaliing magdala ng ekstrang tubig kung mayroong outdoor activities at papasok sa trabaho. Doblehin ang pag-inom ng tubig kumpara sa normal lalo na kung nagpapawis ng marami.
  • Maging handa sa panahon. Iwasan ang ehersisyo kung sobrang mainit ang panahon at stress.
  • Iwasan ang madalas nap ag-inom ng alak lalo na sa mainit na panahon.
  • Magsuot ng light colored at maluluwag na damit kung nasa mainit na lugar.
  • Iwasan ang pagbibilad sa tirik na araw at humanap ng malilim na lugar kung nasa labas. Ugaliing magdala lagi ng payong.

 

Nararapat na agapan kung nakakaranas na ng early symptoms ng dehydration. Ito ay sanhi ng madalas na heat exposure, kakulangan sa pag-inom ng tubig at sobrang ehersisyo. Ang mga ito ay madaling maagapan kung uugaliin na uminom ng sapat na tubig sa araw-araw. Magpakonsulta agad sa doctor kung may nararamdamang kakaiba at hindi normal. Mas mainam na magapan ang nararamdaman bago ito lumubha.

 

Stay healthy!

 

 

 

To Top