Ang kalyo ay ang pagkapal ng balat sa talampakan sa kadahilanan ng madalas na pagkiskis. Paano nga ba masusolosyunan ang kasong ito? Narito ang mga home remedies para sa kalyo sa paa ayon kay Dra. Liza Ong.
- Kumuha ng palanggana at lagyan ng maligamgam na tubig.
- Ihalo ang epson salt o asin hanggang matunaw sa tubig. (Ang tatlong kutsarang baking soda ay maaaring mabisang alternatibo sa epson salt)
- Ibabad ang mga paa sa loob ng sampung minuto.
- Kumuha ng batong panghilod, hilurin ang mga parte na may kalyo.
- Muling ibabad ang mga paa upang mabanlawan.
- Tuyuin sa twalya ang mga paa.
- Mag-apply ng maraming lotion o oil sa inyong paa.
Ulitin-ulitin ang proseso sa loob ng isang Lingo hanggang lumambot at umayos ang kondisyon ng inyong mga paa.
Source: Dra. Liza Ong