General

Pagpapabakuna sa ilang lugar, hindi na kailangan ng “advance reservation/schedule”

Ang pagpapabakuna kontra covid ay minamadali na nationwide sa ngayon, may ilang lugar na hindi na kinakailangan ng “advance reservation o schedule” bago mabakunahan. Ayon kay Governor Koike na ngayon ay 68 yrs. old na, siya raw ay nagpabakuna sa kanyang hometown sa Nerima Ward. Tulad na lamang ng sitwasyon sa isang ospital sa Edogawa Ward na sinusubukang pabilisin ang pagbabakuna kung kaya’t isinasagawa nila ito kahit walang schedule o reservation ang mga nakapila. Ayon kay Director Yutaka Shoji ng Tokyo Sakura Hospital: ” ang pinakamalaking rason kung bakit nila naisipang gawin ito ay dahil ang supply ng mga bakuna ay patuloy na nadaragdagan”. Dagdag pa ritong ang online advance reservation o kaya naman ang schedule para sa pila ay isang malaking balakid para sa mga matatanda kung kaya ang 13 medical treatments na konektado sa ospital na ito ay nagsimulang tumanggap ng mga nais magpabakuna na hindi na kinakailangan pa ng schedule.

Pahayag ng nurse manager:  ” Sa mga Edogawa resident kung kayo ay nakatanggap ng sulat para sa pagpapabakuna, dalhin lamang ito sa counter ng umaga , depende sa dami ng tao maaaring sa hapon ay matapos ito.”

Sinabi rin ni Director Yutaka Shoji, Tokyo Sakura Hospital na dahil sa mas maraming supply ng bakuna at pinahabang storage life span nito kung kaya’t mas madali ng iimbak ang mga bakuna at hindi na poproblemahin ang limitasyon sa bilang ng mga taong babakunahan araw araw.

 

Source: ANN NEWS

To Top