General

Pagtaas ng Buwis Oktubre 1

Pagtaas ng Buwis Oktubre 1,

Kasabay sa pagtaas ng Buwis, Sinimulan ng Pamahalaan ang isang benepisyo para sa pamilya kasama ang mga anak. tulad ng naipahayag na, ang mga Day Care Center at Kindergartens ay libre ngayon para sa mga bata mula 3 hanggang 5 taong gulang. Para sa mga pamilyang mababa ang kita libre sa buwis ng lungsod, ang daycare ay libre rin para sa mga bata mula 0 hanggang 2 taong gulang. Ang layunin ng Pamahalaan ay gamitin ang kita na nakukuha mula sa pagtaas ng buwis upang masakop ang mga gastosin na ito at para mag-udyok o mahikayat upang tumaas ang bilang ng pagsilang ng sangol na bumabaksak bawat taon. Sa kabila nito , Maraming pamilya ang hindi nasiyahan dahil nadagdagan ang buwis, Libre nga ang Daycare ngunit wala naman mga bakate. Depende sa Rehiyon mayroong isang malaking pilahan at mahirap mabakante. Ayon sa Ministry of health Labor and Welfare 16,672 bata ang naghihintay para sa bakante sa mga day care center.Bagamat ang bilang ay nabawasan ng 3,123 noong nakaraang taon.Ang pila ay mahaba lalo na sa mga lunsod o bayan. Ang listahan ng paghihintay sa may edad na 3 hanggang 5 taong gulang ay kakaunti kumpara sa 0 hanggang 2 taong gulang. ang mga benepisyo na ito ay nakakatulong upang mabawasan ang paggasta sa sambahayan. ngunit may kinalaman din ito sa kalidad ng edukasyon na ihahandog ng mga institusyon. Nararapat na mag-alala ang mga magulang dahil ang kanilang mga day care center ay walang katiyakan dahil bababa ang kanilang pera. mayroong kakulangan sa skilled labor at ang compensation o pasahod ay nananatiling mababa. Maraming pag tutuk upang malutas ng Pamahalaan.

Source: Sankei

Pagtaas ng Buwis Oktubre 1
To Top