Narito ang karugtong ng interview kay Cyrene patungkol sa Pinay-Japanese marriage.
Kumusta naman ang mga anak niyo?
Sa ngayon, isa pa lang ang anak namin at baby pa. Di pa niya alam ang mga nangyayari
Maayos ba makitungo sa iyo ang mga in-laws mo?
Oo. Di kagaya sa Pilipinas. Sila, di nakikialam sa problemang mag-asawa. Kami ang may isyu kaya dapat kami din ang mag ayos nito.
Sa tingin mo maayos mo pa ba ang inyong relasyon?
Yun lang, kung makikinig siya sa akin. Kasi pag kinakausap ko siya, lagi siyang nagagalit sakin. Sa tingin, ko wala na kaming pag-asa.
Binalak mo ba na ideborsyo siya?
Oo. Pero wala akong pera. Magastos din ang pag-didiborsyo dito.
Divorce sa Japan
Papano ba ang pagdedeborsyo sa Japan?
KYUUGI RIKON. Ito po ang tawag sa diborsyo sa Japan kung saan ang mag-asawa ay parehas na sumasang-ayon na makipag-hiwalay ng di na dumadaan sa anumang masalimuot na proseso sa korte. Kuha ka lang ng rikon todoke sa munisipyo, pirmahan niyo pareho, at ipasa na wala kang makukuha sa kanya ni piso. Yun sana gusto ko pero ayaw niya. Di ko na siya kayang pakisamahan. Di na siya ung lalaking minahal at pinakasalan ko nung una.
Anu-ano pa ba ang ibang pamamaraan ng pakikipag-deborsyo?
Isa din dito ang CHUUTEI RIKON. Isa rin itong paraan ng pakikipag-diborsyo kung saan mamagitan na ang family court upang maayos ang paghihiwalay ninyo. Pakikinggan ang bawat panig at titingnan kung dapat nga ba or hindi kayo maghihiwalay.
At ang pinaka magastos sa lahat ay ang KISO RIKON. Ito naman ang paraan ng pakikipag-diborsyo kung saan eh aabot na kayo sa hukuman para maisakatuparan ang paghihiwalay ninyo. Dahil sa korte na po ito, malaki ang perang kakailanganin para pambayad sa abogado. Kaya sigurahin ko muna kung alin dun sa tatlo ang aking pipiliin; lalo na at may anak kami.
Kayo? Ano ang maipapayo ninyo kay Cyrene?
image credit: Dragunsk Usf/Flickr