General

PCR test sa Tokyo, 1980yen lamang

Isang pribadong inspection center kung saan maaari kang sumailalim sa PCR test sa halagang 1980 yen ang itinayo at nagsimula na sa operasyon mula ika-10 ng Buwang ito. Ang private testing center na nagbukas malapit sa Tokyo Station ay gumagamit ng PCR smart amplifier method,  kung saan ay mas mabilis malaman ang resulta kumpara sa normal PCR testing. Kinakailangan na magpareserve muna gamit ang iyong smartphone o computer ng mas maaga bago sa araw na nais, ang sample ay kokolektahin mula sa laway ng humigit-kumulang 30 segundo. Kung ang option na 1980yen course ang pipiliin, ang resulta ay ipapadala kinabukasan sa inyong email. Ngunit kung nais mong mas mabilis na resulta, maaari mong piliin ang course 9900yen at matatanggap mo ang resulta  sa loob ng minimum 2 1/2 oras.

Source: ANN NEWS

To Top