International

PHILIPPINES: Philippine Coast Guard, Humingi ng Suporta sa Japan para sa Karagdagan pang mga Boat

Ang Philippine Coast Guard ay lalong bumaling sa Japan sa pagtulak na palakasin ang presensya nito sa South China Sea.

Noong Biyernes, sinabi ni Admiral Artemio Abu na hihingi ang kanyang bansa ng suporta sa Japan sa pagkuha ng at least five large patrol vessels.

Sinabi niya na ang plano ay kasama ang tulong para sa pagtatayo ng isang new headquarters, na may isang pantalan na exclusively para sa mga boat.

Nakipag-usap si Abu sa mga mamamahayag matapos makipagpulong kay Japan International Cooperation Agency President Tanaka Akihiko.

Nakatanggap na ang Philippine Coast Guard ng 12 Japanese patrol vessels para kontrahin ang increasingly assertive activities ng China sa rehiyon.

Nitong mga nakaraang taon, hinarang ng mga Chinese coast guard boat ang pagdaan ng mga resupply boat ng Pilipinas.

Nakadaong na rin ang mga Chinese fishing vessels sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Nakatakdang bumisita sa Japan sa unang pagkakataon sa Pebrero si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Inaasahang tatalakayin ng dalawang pamahalaan ang mga paraan upang palakasin ang kooperasyon.

To Top