Entertainment

PINAKABAGONG HARRY POTTER PARK MAGBUBUKAS SA TOKYO

Inanunsyo ng American producer Warner Brothers na magbubukas na sa taong 2023 ang “Harry Potter” theme park sa Tokyo.
Ang proyektong ito ay ilulunsad gamit ang parte ng Toshimaen park land, na nakatakdang magsara ngayong taon.
Gagamitin ng Warner Brothers ang isang parte ng lupa na pagmamay-ari ng Seibu Group para maitayo ang nasabing amusement park at ang iba pang parte ng lugar ay ibebenta naman sa Tokyo Metropolitan Government na nagpaplano namang magtayo ng isang malaking leisure park.

Ang Seibu group, Warner Brothers at Tokyo government ay inaasahang masasara at gagawing opisyal ang deal na ito ngayong spring time.
Ang pinakabagong Harry Potter park ay dapat sanang nakabase sa isang atraksyon sa London kung saan naroon ang large school of magic, shopping center, railway line and interaction.
Ito sana ay hango sa isang studio type pero may naiibang estilo kumpara sa Universal Studios Japan, na nasa Osaka.
Nagbukas ang Toshimaen noong taong 1926 at isa na ngayon sa tanyag na parke sa Tokyo, na kung saan may mga atraksyon, swimming pools at hot springs.
Matapos ang isang malaking Lindol noong taong 2011, ang Tokyo government ay nagkaroon ng ideya na magtayo ng isang malaking leisure park sa lugar na pinangyarihan ng disaster at prinopose nila sa Seibu Group ang paggamit ng Toshimaen park land ngunit naantala ang nakatakdang negosasyon. Muling nabuhay ang usaping ito nang ang Warner Brothers naman ang nagoffer ng ideyang pagtatayo ng nasabing Harry Potter park noong nakaraang taon.

Nasa 45bilyon yen ang halaga ng ininvest nila sa atraksyon ng Harry Potter sa USJ noong 2014. Tumaas naman ng 2 milyon ang bilang ng mga turista at bisita dahil dito.
Maraming makakamiss sa history nga Toshimaen ngunit inaasahang hihigitan ng Harry Potter park ang mga ito na naglalayong makakuha ng libo libong turista.

Source: Yomiuri & ANN News

To Top