Maraming naiwang masalimuot na alaala ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa paglipas ng mga taon, ang Japan ay nagkaroon ng mga magkakasalungat na pananaw ukol sa kalikasan at kapaligiran. “Degrading the modern world to meet the varying needs of man” ay naging malinaw dahil sa pagkakaroon ng mga polluters dulot ng mga nagsulputang pabrika at manufacturers sa iba’t-ibang lugar sa Japan. Bunga nito, binansagan ang “Land of the Rising Sun” bilang “world’s most toxic country” noong panahong iyon.
World’s Canary in a Coal Mine
Ayon kay Paul Ehrlich, ang Japan ay maituturing na isang “world’s canary in a coal mine.” Ibig sabihin, ito ay isang napaka-polluted na nasyon ng Southeast Asia. Sinubok nito ang human tolerance level ng kanyang masisikap at palakaibigang mamamayan. Halimbawa, ang pollution tolerance level sa Tokyo ay lubhang napakataas. Ang mga nagdaang taon sa kariktan ng Mt. Fuji ay natakpan ng isang perpetual fog mula sa exhaust, particulate matter at iba’t-iba pang sanhi ng pulmonary diseases.
Ang mga traffic police ay nagdadala ng mga matitibay na oxygen tanks kapag malala ang kaso ng environmental pollution. Samantala, ang dating malilinis na ilog sa Japan ay dumaan sa isang matinding environmental dilemma. Naganap ito sa lugar ng Minamata. Ito ay isang munting village na mayroong malaking pagawaan ng kemikal. Dahil sa kawalan ng makapangyarihang batas ukol sa environmental pollution, ang pabrika ay nagtatapon ng methylmercury sa mga lokal na bays sa loob ng humigit kumulang sampung taon.
Environmental Laws Passed
Noong mid-60s, ang mga mamamayan ay nagpahiwatig na ng kanilang pagkadismaya ukol sa lumalalang environmental pollution. Ito ay bunsod ng pagkadiskubre ng mga sari-saring asthmas at cadmium poisoning. Pinangunahan ng mga leftist groups ang mga demonstrasyon ukol sa environmental pollution. Bilang pagtugon, ang mga Japanese lawmakers ay nagpasa ng labing apat na magkakaibang environmental and anti-pollution laws noong 1970. Matibay ang paniniwala ng mga mambabatas sa Japan na ito ay lubusang makatutulong sa lubusang pagsugpo ng polusyon.
Modern Day Environmental Cause
Sa makabagong panahon, pinangunahan ng Japan ang 1997 Kyoto Conference na may kinalaman sa international global climate change. Gayun din, mayroong ring mga eco-outlaws na may kaugnayan sa pag-eeksport ng kanilang mga environmental problems sa ibang bansa. Tunay na di makatarungan ang ganitong mga hakbang. Ngunit, ang Japan ay may pusong makabayan at patas na pananaw tungkol sa mga usapin ng karapatang pantao. Kaya’t di natin siya dapat husgahan kung paano niya aayusin ang mga naiwang bangungot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa kanyang magandang kapaligiran.
Images from www.academia.edu/10063035/Japans_post_war_environmental_policy