General

President Duterte: Pag walang alcohol, gasolina pwede gawing disinfectant

May kakaibang mungkahi si Philippine President Duterte para sa mga taong hindi kayang makakuha ng alcohol upang pangontra sa impeksyon ng coronavirus.

President Duterte: ” Pag walang alcohol available, lalo na yung mga mahihirap. Magpunta ka lang diyan sa gasoline station pagkatapos nun magpatulo na. That’s disinfectant.”

Sinabi ito ng Pangulong Duterte sa isang news conference noong nakaraang buwan. Isang kakaibang disinfection method gamit ang gasolina imbes na alcohol. Pabiro ring pinausukan ng Presidente ng alcohol mist ang bunganga nito sa nasabing news conference.

Mula sa statistics ng John Hopkins University sa Estados Unidos, ang Pilipinas ay may kasalukuyang bilang ng 85,486 katao na positibo at 1,962 naman ang naitalang namamatay sa covid.

Source: ANN News

To Top