Events

Prime Minister Suga, bumisita sa isang vaccination site sa Tokyo

Ang pagbabakuna para sa mga senior age group sa Japan ay nagsimula na ngayong araw ika-12 ng Abril, at bumisita si Prime Minister Suga sa isang nakatakdang lugar ng pagbabakunahan. Ikinatuwa ng Prime Minister ang kooperasyon at suporta ng mamamayan ng bansa. Binisita ng Prime Minister ang Hachioji City Hall. Dahil mga 40 kilometro ang layo sa opisina ng Prime Minister, gumamit sila ng helicopter sa pagbisita. Hindi rin pinahintulutan makuhanan ng press ang area, pagkatapos ng pagbisita, sinabi ng Prime Minister sa speech nito ang target na 100 milyong dosis ng bakuna ang maihanda sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo, at binigyang diin rin nito ang ideya ng pagtataguyod ng komunikasyon sa pagitan ng national at local government.

Source: ANN News

 

To Top