General

PRO WRESTLING match sa Shinkansen

Isinagawa ang isang pro wrestling match noong Lunes sa loob ng isang Nozomi Shinkansen bullet train na tumatakbo sa bilis na hanggang 285 kph mula Tokyo patungong Nagoya.

Nag-organisa ng event ang Tokyo-based professional wrestling group na DDT Pro-Wrestling, kung saan sina Minoru Suzuki at Sanshiro Takagi ang naglaban sa makitid na aisle (pasilyo), nagpapakawala ng mga mabilis na galaw na tulad ng bilis ng tren na sinasakyan ng mga manonood.

Nirenta ng grupo ang buong train car, ginagamit ang package plan ng Central Japan Railway Co. na nagpapahintulot sa mga pasahero na mag-charter ng isang train car.

Nag-organisa din nuon ang DDT ng mga labanang hindi nasa ring kundi sa mga lugar tulad ng bookstore at campground. Nag-organisa ang grupo ng event na ito dahil inaakala nilang magiging masaya na magkaroon ng mga wrestler na maglalaban sa Shinkansen.

YOMIURI SHIMBUN September 19, 2023
https://japannews.yomiuri.co.jp/society/general-news/20230919-137507/

To Top