Economy

Seafood Importation ng China Bumagsak

Ang importation ng China ng mga produktong-dagat mula sa Japan ay bumaba ng 67% noong August kumpara sa nakaraang taon, matapos itigil ng Beijing ang lahat ng mga importation dahil sa pag-release ng treated water (na sinasabing radioactive) mula sa nuclear plant ng Fukushima Daiichi.

Sinabi ng mga awtoridad sa customs ng China noong Lunes na ang halaga ng mga importasyon na ito noong August ay 149 Million Yuan, o 20.4 Million Dollars.

Itinigil ng pamahalaan ng China ang mga importasyon ng mga produktong-dagat mula sa Hapon bilang tugon sa pagsisimula ng pag-release ng treated water noong August 24.

Sinabi ng Ministry of Agriculture and Fisheries ng Japan na ang China ang pangunahing nag-iimport ng mga produktong-dagat mula sa Japan sa buong mundo. Ang mga importation noong nakaraang taon ay nagkakahalaga ng mga 590 Million Dollars.

NHK WORLD JAPAN September 19, 2023
https://www3.nhk.or.jp/nhkworld/en/news/20230918_15/

To Top