Suspects fake payment in Saitama
By
Posted on
Dalawang indibidwal ang iniimbestigahan matapos umanong magkunwaring nagbayad at kumuha ng mga damit mula sa isang unmanned secondhand clothing store sa Kawaguchi, Saitama. Nakunan sila ng CCTV noong gabi ng Agosto 12 habang nagsusukat ng mga damit bago pumunta sa cashier.
Nag-iwan sila ng mensaheng nagsasabing bibili sila ng ¥26,000 na halaga ng damit at ipinakita pa sa camera ang screen na may halaga. Gayunman, walang naitalang bayad sa sistema. Ayon sa manager, isang kahawig na suspek ang gumamit umano ng parehong paraan tatlong araw bago nito at kumuha ng humigit-kumulang ¥18,000 na paninda. Iniimbestigahan ng pulisya ang kaso bilang pagnanakaw.
Source / Larawan: FNN Prime Online
