Taiwan, Inalis na ang Import Ban sa Japanese Food na Nauugnay sa Fukushima Disaster
Inalis ng Taiwan nitong Lunes ang import ban sa mga produktong pagkain mula sa Fukushima at apat pang Japanese prefecture na ipinataw pagkatapos ng 2011 Fukushima nuclear disaster.
Sa gitna ng mga pagsisikap na makuha ang suporta ng Japan para sa bid nito na sumali sa Trans-Pacific Partnership free trade agreement, sinabi ng Food and Drug Administration ng Taiwan na ang pagbabawal sa mga produktong pagkain mula sa Fukushima, Ibaraki, Gunma, Tochigi at Chiba prefecture ay “isasaayos” batay sa mga risk — isang pagbabago mula sa ban base sa production areas
Inalis ang ban maliban sa ilang mga pagkain tulad ng mushrooms at wild animal meat. Ang mga produktong pagkain mula sa limang prefecture ay kailangan pa ring magdala ng prefecture-specific origin labels at mga dokumento na nagpapatunay na pumasa sila sa radiation inspection.
Noong Marso 2011, isang massive earthquake at tsunami ang nag-trigger ng meltdowns sa Fukushima Daiichi nuclear power plant. Kasunod ng sakuna, 55 bansa at rehiyon ang nagpasimula ng mga import curb sa mga Japanese food product, ngunit karamihan ay inalis na ang mga ito.
Sa isang reperendum noong 2018, pinili ng mga botante sa Taiwan na panatilihin ang ban, pagkatapos nito ay ipinagpatuloy ng gobyerno ni President Tsai Ing-wen ang pagbabawal sa food imports mula sa mga prefecture.
Ngunit ang gobyerno ay nagtalo din na ang pagrerelaks sa ban ay magpapadali sa application ng Taiwan na sumali sa trade deal, na pormal na kilala bilang Comprehensive and Progressive Agreement para sa Trans-Pacific Partnership.
Ang Japan ay gumanap ng isang leading role sa mga negosasyon sa trade pact kasunod ng withdrawal ng United States noong 2017 sa panahon ng administrasyon ni President Donald Trump.
Ang Taiwan ay nagsumite ng application nito noong Setyembre noong nakaraang taon, ilang araw lamang matapos maghain ng bid ang mainland China para sa membership nito.