General

Takdang pagbisita ni Prime Minister Suga sa Pilipinas, ipinagpaliban

Ang planong pagbisita ni Prime Minister Yoshihide Suga  sa Pilipinas pati na rin sa India na nakatakda nitong buwan ng Abril kaalinsabay sa Golden Weeks ay hindi na muna matutuloy, bunsod ito ng pagtaas muli ng mga kaso ng covid positives sa Japan. Nauunawaan naman umano ng Presidente Duterte ang pagpapaliban. Pagtitiyak naman ng malakanyang, mananatili ang strategic partnership at kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa habang tinutugunan ang suliranin sa krisis ng kalusugan. Batay sa ulat ikinokonsidera ang muling pagdedeklara ng state of emergency sa lugar ng Tokyo at iba pang prefectures dahil sa covid surge.

Source: UNTV News and Rescue

To Top