Japino

Tax Refund Law in Japan: Pangkalahatang Impormasyon Para sa Mga  Japs at Pinoys

Tax Refund Law in Japan

Ang kongkreto, magaan at patas na tax system ng isang bansa ay isa sa mga pinakamabisang socioeconomic gauge, upang ating masabi na masigla ang economic structure ng bansang iyon. Kaya naman, ang tax refund law in Japan ay isa sa mga kahanga-hangang batas na sana ay mayroon ang mga Third World countries tulad ng Pilipinas.

Ayon sa batas na ito, ang maaaring maibalik sa mga mamamayan ay ang sumusunod: Income at Residence taxes, health insurance at iba pa. Ngunit, dapat nating isaisip na hindi lahat ng nasa bansang ito ay makakakuha ng Tax Refund. Ating alamin sa mga sumusunod na mga talata.

Una sa lahat, ang tax refund law ng Japan ay nakasalalay sa lugar ng inyong lokal na munisipyo. Ang mga municipalities na ito ang may sapat na kaalaman o tala ng mga agencies na nag-aalok ng makabuluhang balik buwis o tax refund. Gayun din ang sakop lang ng tax  refund system ay yaon lamang mga buwis na inyong binayaran ng buong katapatan sa loob ng limang taon.

Sa isang maiksing paliwanag, kung ang isang mamamayan ng Japan ay nakapagtrabaho na ng walong taon at higit pa, ang karampatang maibabalik lamang ay ang sakop ng limang taon na nakalipas at ang mga natitirang taon pa ay hindi masasayang o mawawala ng walang kabuluhan.

 

Paano ang Wastong Pamamaraan ng Aplikasyon Para sa Tax Refund?

Ang pag-aapply para sa TAX REFUND ay maraming mga pamamaraan na nababatay sa inyong pangangailangan o kasalukuyang sitwasyon. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

  1. Self- Application-
  2. Agency or Company Application

Pros and Cons

Kung self- application ang inyong mapipili, may posibilidad na hindi makuha ng isang taxpayer ang kanyang 100% TAX REFUND. Ang ilan sa mga matibay na sandigan nito ay ang kawalan ng isang mamamayan ng sapat na kaalaman ang tungkol sa usaping ito. Sa kabilang dako, mainam naman ang self-application of a Tax Refund sapagkat ang anumang bahagi o bahagdan nito ay inyong matatanggap ng walang bawas ngunit hindi 100%.

Sakaling ahensiya ang inyong mapili para sa inyong pinakaaasam-asam  na  refund para sa buwis, ang di  kagandahang epekto ng paraang ito ay ang kaukulang mga bayarin o maaaring bawasan ng ahensiya ng kaunting porsiyento ang kabuuan ng refund na makukuha bilang kapalit ng kanilang ginawang serbisyo para sa nasabing transaksiyon.

 

Pertinent Documents

Para mabilis na mapasainyo ang TAX REFUND, ito ang papers na kailangang handa sa lalong madaling panahon:

  • Gensen
  • Proof of Remittance
  • Bank Account
  • Birth Certificates ng mga Tax Dependents o mga taong pinapadalhan ng salapi sa  Pilipinas

 

Processing

Ang kaukulang ahensiya na ang siyang mangangasiwa ng pag-aayos ng inyong TAX REFUND at mag-aapply para sa inyong sariling kapakanan.

 

Paalala

Mag-ingat sa pagpili ng agency na tutulong sa inyo. Ito ay sa kadahilanang masyadong malaki ang service fee. Ito ay mula 20 to 40 percent o mas mataas pa sa average estimate na ito. Siguruhing competent ang agency para makuha ninyo ang TAX REFUND ng walang labis, walang kulang.

Tunay nga na ang makatotohanang Tax  Refund Law in Japan ay malaki ang naiaambag sa overall financial stability ng bawat mamamayan upang lubusang  magbago ang takbo ng  kanilang buhay sa “Land of the  Rising Sun.”

 

image credit: www.japantimes.co.jp

To Top