TEPCO Bills Set to Break Record
By
Posted on
20/09/2026
Maaaring umabot sa bagong rekord ang singil sa kuryente ng mga pamilyang sakop ng Tokyo Electric Power Company (TEPCO). Para sa karaniwang sambahayan, tinatayang aabot sa ¥9,307 ang singil para sa konsumo sa Oktubre, mas mataas nang humigit-kumulang 12.5% o ¥1,032 kumpara sa Setyembre.
Dulot ang pagtaas ng pagtatapos ng subsidiya ng gobyerno para sa konsumo noong Setyembre at ng pagmahal ng imported na fuel. Tumaas ang presyo ng langis, liquefied natural gas (LNG) at coal dahil sa lumalalang sitwasyon sa Middle East.
Batay ang pagtataya sa preliminary trade data na inilabas noong Setyembre 16 at maaaring lampasan ang dating record ng TEPCO.
SOURCE: NHK / LARAWAN: ILLUSTRATIVE PHOTO
