Entertainment

“Tik Tok” at iba pang smartphone apps mula China planong ipagbawal na sa Japan

Ang LDP ay kinokonsiderang ipagbawal na ang mga smartphone application mula China tulad ng “Tiktok”. Ayon kay Chairman of Rule Forming Strategy Amari: “Huwag hayaan ang mga personal at sensitibong impormasyon ay makuha sa isang di inaasahang pagkakataon.” Nais naming umapela sa mga users na may panganib ang mga personal na impormasyon na maaaring malikom ng wala sa kaalaman ng isang user mula sa apps na ito, kung kaya nais ng gobyerno na baguhin ang batas upang makasunod sa mga regulasyon. Ang Tiktok ay nakabanned na sa India, at isinusulong na rin sa United States kung kaya’t sunod na iminumungkahi ito sa Japan para na rin sa seguridad at kapakanan ng lahat.

Source: ANN News

To Top