Tokyo Disney raises ticket prices
Inanunsyo ng operator ng Tokyo Disney Resort na itataas nito ang pinakamataas na presyo ng mga tiket simula sa Oktubre, ang unang pagtaas sa loob ng tatlong taon. Ang presyo ng one-day adult ticket ay maaaring umabot sa ¥12,400, na may dagdag na hanggang ¥1,500, depende sa demand sa mga abalang petsa tulad ng mga holiday at seasonal events.
Ayon sa Oriental Land, ang pagtaas ng presyo ay bunga ng tumataas na operating costs at gastos sa paggawa. Noong Hunyo, itinaas din ng kumpanya ang bayad sa paradahan sa ¥4,000 para sa mga pribadong sasakyan at ¥6,000 para sa malalaking sasakyan.
Bukod dito, ihihinto ang libreng priority pass sa Agosto 31, kaya ang mga bisita na nais ng mas mabilis na access sa mga atraksyon at palabas ay kailangang gumamit ng mga bayad na priority pass.
Source: Kyodo
