Sa pagtatapos ng kolum na ito, mayroon pang dalawa sa sampung pinakamagagandang Japanese anime series sa telebisyon ang dapat nating balikan. Simulan na natin ang pagbabalik tanaw.
Gurren Lagann
Ito ay tungkol sa pagkakaimbento ng isang scientific device na siyang makapagbabago ng kinabukasan ng isang nayon.
Full Metal Panic
Natapos mo ba ang Japanese anime series na Full Metal Panic? Ang magandang seryeng ito sa telebisyon ay may iba’t-ibang tema tulad ng action, comedy, drama at science fiction. Umikot ang istorya nito sa nagngangalang Sousuke Sagara. Siya ay isang batang military specialist na naglingkod sa isang lihim na samahan.
Ang pangunahing karakter na ito ay naatasan upang pangalagaan ang bagong whispered na kandidato na si Kaname Chidori. Para lubos at matagumpay na magampanan ang kanyang tungkulin, ang ating magiting na bida ay kailangang harapin ang kanyang mga kaaaway ng walang pag-aalinlangan lalo na sa kanyang nakaraan bilang isang tao na naatasang pangalagaan ang interests ng mas nakararami. Sa pagtatapos ng seryeng ito, ating mahihinuha ang hirap at hamon ng isang tao sa pakikibaka upang siya magtagumpay laban sa kanyang mga manlulupig.
Marami sa mga top 10 Japanese anime series ang nakapagbibigay sa atin ng ibayong saya at pananabik. Sa kabilang dako, ang pagsasalarawan ng mga palabas na ito ay ukol sa pagkakaroon ng mga malinaw na estatehiya upang tayo ay magtagumpay sa anumang panahon saan man tayo naroroon.
Ang mga top 10 Japanese anime series ay kumakatawan sa ating mga misteryo na may kaugnayan sa araw-araw nating buhay na dapat nating bigyan ng pansin upang ating malapatan ng mga mas kapakipakinabang na solusyon ang mga ito, gaano man kalaki at kahirap. Salamat sa mga anime series na ito sa telebisyon, ang bansang Japan ay lalo pang sumisikat anuman ang mga unos na pinagdaanan nito.
image from deviantart