Ang mga Japanese horror films ay sadyang tunay na maganda at kahindik-hindik kahit na marami ang nagsasabi na ang mga obra maestrang ito ay isa lamang anino ng maka Kanlurang pag-iisip at paniniwala. Ayon sa mga dalubhasang movie reviewers, ang mga top 10 Japanese horror films of all time ay nagsimula noong taong 1990 hanggang 2000. Ito ang mga tinaguriang J-horror renaissance films.
Alam ba ninyo na ang mga pelikulang ito ay nagpakita ng iba’t-ibang anyo at uri ng human fears ukol sa isang lipunan na siyang humuhubog sa mga pang-kasalukuyang kundisyon nito? Kung paano, ating muling balikan at sariwain ang kanilang mga naiambag sa butihing bansa at kamalayan ng Japan.
Top 10 Japanese Horror Films of all Time
Ang mga horror movies na ito ay may mga temang kakaiba sa mga tradisyunal na pelikula ng Japan, matapos ang mahabang panahon.
Kuruneko, 1968
Ito ay sumentro sa isang pinagbabawal na nilalang na maingat na nakatago sa malikhaing isip ng isang tao. Sensuous pleasures ang ugat ng pelikulang ito. Di matatawaran ang ganda ng mga kakaibang visual effects na talaga namang nagdulot ng makapanindig balahibong pakiramdam habang ito ay pinanonood ng marami. Ang modernong cinematography at ang mahusay na camera tricks ang ilan sa mga mahahalagang elemento na nagbigay buhay sa pelikulang ito.
Ringu, 1998
Ang paksa ng pelikulang ito ay tungkol sa isang video na bigla na lamang pumapatay sa sinumang mangahas manood nito, Matapos gawin ang kahindik-hindik na krimeng ito, ang biktima ay itinataas bilang isang halimbawa ng brutally but elegant high art. Bilang karagdagan, ang tema ng pelikulang ito ay ukol sa tukso. Ang Ringu ay inilarawan bilang isang quiet chill suspense thriller with a low-key personification.
The Grudge, 2002
Kahit na sinasabing ito ay walang elemento ng narrative coherence at psychological tension, naging matagumpay ito sa takilya dahil sa mga sumusunod na katangian: sharp jump scares, excellent visual effects at iba.
A Page of Madness
Ito ay tinaguriang a grand paradox of a silent film na siyang naglarawan kung paano masasabing ito ay isang avant garde presentation ng isang Japanese horror movie na mayroong silent theme.
Ngunit tulad rin ng mga ibang horror films noong panahong iyon, mayroon ring mga eksena ng pagtatalik na lubhang nakapagbigay ng karagdadagang intensity at curiosity sa obrang ito. Sa kasamaang palad, ang Page of Madness ay mayroong disharmonious synthesis na lubhang nakaapekto sa kalidad at takbo ng pelikula sa kabuuan.
Abangan ang 6 pa ang sa top 10 Japanese horror films of all time sa susunod na kabanata ng artikulong ito (see https://japino.net/top-10-japanese-horror-films-time-part-2/ ).
Image credit: wallpaperup.com