Culture

Top 10 Most Loved Japanese Anime of All Time Part 1

top 10 most loved Japanese anime of all time

Sumikat ang Japanese anime sa panahong ang bansang Japan ay nasa yugto ng kasaysayan kung saan ang bawat isang mamamayan ay nangangailangan o naghahanap ng mga makabagong pamamaraan upang mas lalong maipahiwatig sa mga karatig bansa kung gaano kahalaga ang kultura at ideolohiya sa paghuhubog ng asal, gawi at buong pagkatao lalo na ng mga kabataan ngayon.

Gayun din naman, namayagpag sa ere ang mga ganitong uri ng mga palabas sa paghahangad na mapabuti ang halaga ng pagiging malikhain at kung paano ito makatutulong sa pag-unlad ng Japan, lalo na ng kanilang makulay na sining  ng cartoons o animes

Top 10 Most Loved Japanese Anime of All Time

Anu-ano nga ba ang mga tinaguriang top 10 most loved Japanese anime of all time? Alamin ang ilan sa mga ito at ating bigyang pansin ang mga natatangi nitong mga pagkakaiba sa bawat isa na siyang naging sanhi upang ito ay mapabilang sa pinakamagagandang animes ng Japan.

Fullmetal Alchemist

Ang Japanese anime series na ito ay tungkol sa mahiwagang paggamit ng tinatawag na forbidden science at human alchemy. Ang alchemy na tema ng anime ay gumagana sa pamamagitan ng tinatawag na equivalent trade. Sa seryeng ito, nawalan ng binti ang pangunahing karakter na si Ed. Ito ang naging denouement ng kwenta nito, Samantala, ang kanyang matalik na si Al ay nawala naman ang mortal na katawan. Kung paano nila hinarap ang mga mapapait na pagsubok, ay siyang pinaka-aabangang tagpo ng anime series na ito.

Death Note

Nabilang sa mga genres na drama, mystery at psychological ang kwento nito. Ito ay tungkol sa isang matalino at kahanga-hangang kabataan na si Yagami Light. Subalit sa kabila  nito, si Yagami ay sinsabing bagot at pagod na sa mga hamon ng kanyang buhay, Ang twist ng Japanese anime series na ito ay nang makapulot siya ng misteryosong Death Note. Dahil sa kapangyarihang galing dito, siya ang lumikha ng isang perpektong mundo sa pamamagitan ng pagpatay ng mga tao na naaayon sa kanyang kagustuhan at pamamaraan.

Naruto

Ang Naruto naman ay tungkol sa isang bata na hindi naiibigan ng kanyang mga kababaryo na naninirahan sa isang leaf village na kung tawagin ay Konoha. Dahil sa nakakalungkot na pangyayaring ito, ang kaawaawang si Naruto ay nagkaroon ng anxieties subalit, siya ay biniyayaan ng iba’t-ibang uri ng supernatural powers at mga extraordinary forms of energy upang maisakatuparan ang isang mahalagang misyon na ipagtanggol ang kanyang nasasakupan laban sa kasamaan.

Sa susunod na artikulo ukol sa top 10 most loved Japanese anime of all time mayroon pang mga Japanese anime series na tunay na maganda at kapanapanabik ang bawat pagsubok at tagumpay upang ang mga ito ay maging tanglaw sa ating pagharap at pakikibaka sa iba’t-ibang katotohanan ng buhay.

Part 2

Part 3

Image from myanimelist.net

To Top