Kung nais mong makapunta at manatili sa bansang Japan, importante na makakuha ng isang VISA na pinaka-angkop para sa iyong mga hinahangad na mga gagawin sa Japan.
Foreigner VISA in Japan at mga Panuntunan sa Pagkuha
May 27 uri ng visa sa Japan. Ang mga ito ay naka-base sa mga pangangailangan pati na rin ang mga awtorisadong mga gawain na naiiba para sa bawat isa.
Kinakailangan na matukoy kung anong uri ng VISA ang magpapahintulot sa iyo depende kung ano ang iyong nais na gawin sa Japan at para kung saan maaari mong masunod ang mga kinakailangan.
Hindi posible ang makakuha ng visa kung ang iyong gagawin ay di nakalista sa sumusunod na talahanayan. Halimbawa, hindi ka maaaring makakuha ng isang working visa para sa isang labor job tulad ng construction work o bilang isang taga-paglingkod o taga-pagsilbi.
Kinakailangan din sa karamihan ng mga kaso na magkaroon ng isang hosting organisasyon o pag-anyaya sa mga tao (karaniwang kilala bilang isang “visa sponsor”) para makakuha ng isang VISA sa Japan tulad ng isang paaralan sa kaso ng isang student visa o isang employer sa kaso ng isang working visa.
Maliban sa mga ito, kinakailangan ding matugunan ang ilan pang requirements. Kaya kahit na mahanap ka ng isang employer na Japanese, hindi mo magagawang pumunta sa bansang Japan upang magtrabaho kung hindi mo matugunan ang mga kinakailangang ito.
Three Major Types of VISA for Foreigners
Ang mga 27 Japanese visa ay nahahati sa 3 pangunahing mga grupo:
- Working visa – ito ay provisioned para sa trabaho
- Non-working visa – ang student visa, tourist visa, at iba pang walang kaugnayan sa pagtratrabaho ay nakapaloob sa uring ito
- Family related visa – mga ipinagkaloob ayon sa katayuan ng pamilya tulad ng spouse visa
Ang isang tao ay maaaring makakuha lamang ng isang uri ng visa sa isang pagkakataon, kaya kung ikaw ay karapat-dapat para sa higit sa isang visa (engineer visa at spouse visa para sa mga halimbawa), kailangan mong pumili ng isa sa kanila.
Para sa karagdagang impormasyon, see this resource page.
image credit: Max Braun/Flickr