Inaasahang lalapit ang Typhoon No. 15 sa Kanto-Koshin (Tokyo, Kanagawa, Chiba, Saitama, Ibaraki, Tochigi, Gunma, Yamanashi at Nagano) ngayong Martes (11), na may panganib na tumama sa baybayin at magdulot ng malalakas na ulan, matitinding hangin at malalaking alon. May babala rin para sa landslide sa Tohoku (Aomori, Iwate, Miyagi, Akita, Yamagata at Fukushima), gayundin sa panganib ng pagbaha at pag-apaw ng mga ilog sa Tohoku at Kanto-Koshin.
Maaari ring maapektuhan ng bagyo ang transportasyon habang kasagsagan ng paglalakbay para sa Obon holiday. Nagbabala ang JR East na posibleng magkaroon ng mga pagkaantala at kanselasyon sa Tohoku Shinkansen sa buong araw. May mga nakatakdang kanselasyon din sa ilang bahagi ng Joban Line. Sa Tokaido Shinkansen, halos puno na ang mga Nozomi train na patungong timog para sa umaga ng Martes. Inaasahan ding magkakaroon ng matinding pagsisikip sa mga highway.
Source: FNN Prime Online