General

UK Government: Pagbabakuna kontra coronavirus plano ng umpisahan sa susunod na buwan

Ayon sa report ng lokal na media, balak ng umpisahan ng British government ang pagbibigay ng covid vaccine na dinevelop ng major pharmaceutical companies tulad ng Pfizer, simula sa susunod na buwan. Inaasahan mula sa British government ang agarang pagbibigay ng go signal na aprubahan na ang naturang covid vaccine, at umpisahan na ito sa mga susunod na araw hanggang sa susunod na buwan. Bibigyang prayoridad ang mga medical staff, mga residente at staff ng nursing homes, kasama na ang may mga edad o matatanda dahil ito umano ang mga nasa high risk na mahawahan ng coronavirus. Inanunsyo ng Pfizer na ang kanilang dinevelop na covid vaccine ay ” 95% effective ” sa huling yugto ng clinical trials. Ang naturang gamot rin ay uumpisahang ipamahagi sa ika-11 ng susunod na Buwan.

Source: ANN NEWS

To Top