Year-end jumbo lottery, box-office pa rin ang pila kahit sa panahon ng pandemya
Habang patuloy ang pagkalat muli ng impeksyon ng coronavirus sa bansa, hindi nito napigilan ang pagdagsa ng mga tao para pumila sa “Year-end Jumbo Lottery”,habang mahigpit namang ipinapatupad ang social distancing at iba pang counter measures laban sa impeksyon. Dahil sa laki ng papremyo, at taon-taon ay marami ang nakakuha ng malalaking panalo sa isang lottery outlet sa Ginza, Tokyo. Dinadagsa ng pila ng mga tao ang lugar na ito kahit pa pandemya, ngunit maingat naman at isinasa-alang alang pa rin ang distansya at mga hakbang upang makaiwas sa hawahan ng coronavirus.
Ang lottery ay may nakatakdang 700 Million yen bilang first prize, at 1 Bilyong yen naman para sa sumatotal na premyo lahat lahat na pinagsama. Ang pagbebenta ng tiket ay hanggang ika-25 ng susunod na buwan. Kaya sa mga hindi pa nakakabili na at naniniwala na maswerte kayo sa taong ito. Bakit hindi ninyo subukan baka ito na ang swerte mo.
Source: ANN NEWS